STEP 1: Unang-una, hintayin mong may magnominate sa’yo hanggang ma-evict ka dahil mababa ang total number of BBS mo. Ayy shet. PBB pala yun.
Basta hintayin mong may magnominate sa’yo para gawin ang ice-bucket challenge. Kung walang magnominate dahil walang may pakialam sa existence mo pero gusto mong tumulong, proceed agad to step 8.
STEP 2:Alamin kung ano ang ibig sabihin ng ALS at kung bakit kelangan mong isakripisyo ang reputasyon mo para dito. Wag tularan ang FB status ni ate na, “Grabe Nakaka-ALS naman yung kanta ni Maja.— listening to DahanDahan.” Utang na loob, LSS yun!!!
STEP 3. Kelangan mong mag-internalize at hanapin ang sarili para sagutin ang dalawang katanungang ito,
“Malamig ba ang yelo?” Kapag nasagot ito, maaari ka ng magproceed sa Step 4. Kung hindi mo naman ito masagot, ako na lang ang sasagot, “Kasinglamig yan ng pakikitungo ng crush mo sa’yo. Awa.”
Kasing ganda ba ako ni Kathryn Bernardo kapag nabasa ako ng tubig?” Alam kong “hindi” ang sagot mo kaya ayaw ko man itong sabihin, maaari ka ng magproceed sa sunod.
STEP 4. Kung buo na talaga ang loob mo, ihanda ang mga kakailanganin.
Ice-bucket, hindi KFC bucket. Ilugar ang katakawan.
Tagabuhos ng ice. Siguraduhing wala siyang galit sa’yo kung ayaw mong bloke-bloke ng yelo ang ibuhos sa ulo mo.
Para sa mga babae, okay na yung t-shirt na puti, yung pinakamanipis. Wag na ding mag-bra please. Hindi lang may A.L.S ang natulungan mo dito kundi maging ang lahat ng kalalakihan sa mundo. Para naman sa mga lalaki, wala akong pakialam.
Pang video. Malay mo ito na ang hinihintay mong pagkakataon para maging internet sensation at madiscover ni Mr. M.
Dignity mo.
STEP 5. Iset ang camera sa video, humarap ng buong puso at kaluluwa at ipaubaya ang lahat sa ice-bucket challenge.
Ngunit kailangan mong tandaan ang mga sumusunod:
Hindi ito ang panahon para maligo at maghilod. Kung naligo ka sana last week eh di sana hindi ka na maliligo ngayon.
Yakapin ang sarili at ipitin ang ‘booblets’ para hindi ka lamigin. Sigurado akong expert ka na diyan dahil yan ang palagi mong ginagawa sa mga “papansin selfies” mo.
Wag ng maglagay ng Eskinol at BB cream please. Hindi masosolusyunan ng challenge na ito ang pagiging single mo.
STEP 6. Tandaan mo na nasa harap ka ng camera. Maraming pwedeng makakita nito kapag inupload mo ito sa internet. Ito na ang pagkakataon para iexpress ang feelings mo.
Gawin ito habang ibinubuhos ang yelo. Isabay ang booty shaking habang nanginginig ka sa lamig— ‘Coz YOLO.
STEP 7. Matapos buhusan ng yelo, tumayo ng may pride dahil nagawa mo ang challenge na ito.
Isipin mo, puro kalibugan lang ang alam mo this past few weeks pero nagawa mong magpaka-selfless para sa challenge na ito. Mabuhay ka.
STEP 8.. Pumili ng 3 inonominate para sila naman ang gumawa ng ice-bucket challenge. Wala kang karapatang inominate si James Reid dahil hindi naman kayo close. Para-paraan ka dahil gusto mo lang makita abs niya.
STEP 9. Maaari ka ng magdonate sa link na ito. Siguraduhing may credut card at 100 dollars ka. At kung wala naman, pakyu kaaaaaaa. Wala ka ng ginawa kundi magpapansin sa crush mo.